hello, lionheart.
sa mga gumagawa ng social advocacy, ordinaryong karanasan na ang umani ng galit ng mga tao lalo na ng mga nasa posisyon dahil sa mga ibinubunyag na mga katotohanang panlipunan.
sa tingin ko, mas maigi na ang ganito. kasi sa aking tantiya, mas magdadala sa akin sa impiyerno kung hindi ko ipapaalam sa mas nakakarami ang mga datos tungkol sa ating lipunan na mas madali kong ma-access.
kung gusto mo pa ng ibang mga datos, paki-bisita mo ang
http://thatallmaybeone.blogspot.com. aking blog ito, subalit mahigit nang isang buwan na hindi ko ito naa-update sa dahilang ilang panahon na rin akong wala sa ating lalawigan.
ang pagsusulat ay hindi ko magawa nang hindi nakalapat sa lupa ang aking mga paa. ibig kong sabihin, ang limitasyon ko sa pagsusulat ay dapat nasasaksihan ng aking dalawang mata ang mga nagaganap bago ko ito maisalin sa mga salita..
tandaan natin ito, lionheart: mas madaling mapatawad ng mga tao ang isang tao dahil sa siya ay mali, kaysa dahil siya ay tama.
read on..